Ads Top

Lazada Philippines

Pumanaw na ang veteran actor na si Eddie Garcia Huwebes ng hapon sa Makati Medical Center. Siya ay 90. Base sa medical bulletin na ipinalabas ng Makati Medical Center, namatay si Garcia, Eduardo Garcia sa totoong buhay, ganap na alas-4:55 ng hapon. Nabatid na halos dalawang linggo ring nag-agaw buhay si Manoy sa intensive care unit ng nasabing ospital matapos napatid sa cable wire sa gitna ng taping sa Maynila. Dito ay napuruhan ang kanyang cervical spine na nauwi sa kanyang pagka-comatose simula nitong June 8.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: