Ads Top

Lazada Philippines

Bagong Silang Na Sanggol Natagpuang Walang Buhay Sa Bakanteng Lote


Nakasilid sa plastic bag at wala ng buhay nang matagpuan ang sanggol na babaeng ito sa Baranggay Pulang Lupa Uno sa Las Pinas City. Duguan ang sanggol at may mga marka ng sugat sa katawan. Sa bakanteng lote sa likod ng isang bahay natagpuan ang kaawa awang sanggol. Mabilis na itinawag sa baranggay at pulisya ang insidente. Noong una ay palaisipan kung paano raw napunta roon ang sanggol dahil may bakod at private property ito. Pero lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya ang posibilidad na ibinato o inihagis ang sanggol sa bakanteng lote at malamang daw may kinalaman dito ang ilan sa mga naninirahan sa hindi kalayuan.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: