Ads Top

Lazada Philippines

Nakitaan ng korte ng probable cost o sapat na basehan ang kasong Grave Threat na inihain laban kay Senador Antonio Trillanes. Nag ugat ang kaso sa pagbabanta umano ng senador kay Labor Undersecretary Jacinto Paras sa loob ng senado noong May 29, 2018. Sinabi raw ni Trillanes na yayariin niya si Paras at hindi siya maipagtatanggol ni Pangulong Duterte. Binigyan si Trillanes ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 47 ng sampung araw para sagutin ang kaso. Tinakda naman ang arraignment ng kaso sa February 15. Tinawag naman ni Trillanes na harassment ang reklamo ni Paras. Ang Pangulo raw ang dapat kasuhan ng Grave Threat dahil sa pananakot sa kanyang kritiko.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: