Ads Top

Lazada Philippines

Hepe At 36 Pang Pulis Sangkot Sa Panibagong Kidnap For Ransom


Bakas sa mukha ni Las Piñas City Police Chief Senior Superintendent Marion Balonglong ang pagkabigla nang sibakin on the spot ni (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar. Kaugnay sa pagkakasangkot sa kasong kidnap for ransom ng pito sa mga tauhan ng Las Piñas Police Station Drug Enforcement Unit. Sibak din ang lahat ng tatlumpu't anim tauhan ng SDEU. On going naman ang manhunt operation sa pitong tauhan ng Las Piñas SDEU. November 20 ng gabi nang arestuhin umano nila sa Silang, Cavite ang umano'y drug suspect. Pero sa halip na dalhin sa istasyon dinala raw ang biktima sa isang sementeryo. Nakatanggap naman ng tawag ang ate ng biktima mula sa isa sa nasabing pulis at ipinatutubos ang kapatid sa halang 200,000 pesos. Dito na nagsumbong ang ate ng biktima sa Cavite police at isang entrapment operation ang ikinasa sa Las Piñas. Pero isang menor de edad lang na batang lalaki ang sumipot sa meeting place para kunin ang ransom.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: