Ads Top

Lazada Philippines

Hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV si Panguong Duterte na magpa IQ test. Sabi kasi ng Pangulo, hindi niya alam kung paano nakapagtapos sa Philippine Military Academy si Trillanes gayong mababa daw ang I.Q. ng senador. Ang sabi ngayon ni Trillanes sumalang na lang daw silang dalawa sa I.Q. test. Kung mas mataas daw ang score ng Pangulo sa kanya, magbibitiw siya bilang senador. Batikos din ni Trillanes wala raw maisip ang Pangulo na solusyon sa mga problema ng bayan dahil aminado umano si Duterte na mahina ang kanyang kokote. Sabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Hindi obligado ang Pangulo na tumugon sa demand ng sino man gaya ni Trillanes na umano'y nagpapansin lang daw.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: