Ads Top

Lazada Philippines

CCTV, mas maluwag na walk way, komportableng mga upuan, mababang akyatan at maluluwag na pintuan. Ilan lang yan sa mga makikita sa modernized city buses na ipinakita sa publiko ng Department of Transportation. Hindi naman papatalo ang provincial buses. Bukod sa may CCTV rin meron itong comfort room. Ang bawat upuan may media player kung saan pwedeng manood ng pelikula, makinig ng musika o maglaro ng games. Sabi ng DOTR layon ng gobyerno na maging pamantayan ang mga ito ng may 6,000 na bus sa Metro Manila. Mas marami rin daw ang maisasakay ng bagong bus dahil may kapasidad ito hanggang 120 pasahero kumpara sa lumang bus na nasa 60 pasahero lang gayun pa man hindi pa alam kung magkano ang itataas ng pamasahe.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: