Ads Top

Lazada Philippines

Wala raw bisa simula't sapul o void ab initio ang amnesty na ibinigay noong 2011 ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Senador Antonio Trillanes IV. Yan ang dineklara ng proclamation 572 ni Pangulog Rodrigo Duterte. Ang tinutukoy na amnestiya ay kaugnay sa pamumuno ng nuo'y Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes IV sa tinaguriang Oakwood mutiny noong 2003 at Manila Peninsula siege noong 2007. Paliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra hindi tinupad ni Trillanes ang requirements para sa amnestiya tulad ng pag-apply dito noong 2011 at pag-amin sa krimeng kudeta nakinakaso sa kanya. Sa Camp Aguinaldo nag-file noong ng kanyang application for amnesty si Trillanes, nakunan ito ng iba't-ibang media organization. Pero sa proklamasyon ng Pangulo nakasaad na hindi nag-file ng official amnesty application form si Trillanes.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: