Ads Top

Lazada Philippines

Pinakakasuan na ng Department of Justice sa korte ang negosyanteng si Peter Lim kaugnay sa distribusyon ng droga sa Visayas. Nakitaan daw ng probable cause para kasuhan si Peter Lim ng kasong conspiracy to commit illegal drug trading. Bukod pa ito sa illegal drug trading na kinakaharap niya ngayon. Binigyang bigat ng DOJ ang pag amin noon ni Kerwin Espinosa sa senado na distributor siya ng droga. Gayon din ang pagtukoy ni Marcelo Adolfo kay Lim na isa siya sa kasabwat ni Espinosa. Matatandaang ibinasura noon ng DOJ sa ilalim ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang kaso sa kanila ngunit binuksan muli ang imbestigasyon matapos umani ng batikos.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: