Ads Top

Lazada Philippines

Aquino Wala Raw Dapat Hatian Ang Pilipinas At China Ng Natural Gas Sa West PHL Sea


Kinwestyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang 60/40 na hatian sa joint exploration ng natural gas sa West Philippine Sea. Pinalutang ni Foreign Affair Secretary Alan Peter Cayetano ang nasabing hatian kung sa mas malaki ang magiging kita ng Pilipinas. Bago nagpuntang Singapore kahapon kinumpirma ni Cayetano na may ganitong alok ang Pilipinas, bukas naman daw dito ang China. Sa ngayon ay kumukunsulta na sa mga eksperto ang DFA para sa binubuong frim work of agreement sa joint exploration. Nanindigan naman si Noynoy Aquino na wala daw dapat usapin ng hatian dahil pasok daw sa exclusive economic zone ng Pilipinas ang pinagtatalunang bahagi ng dagat.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: