Ads Top

Lazada Philippines

7 Bilyong Halaga Ng Shabu Naikalat Na Di Umano Ng Sindikatong Intsik


Tama ang pakiwari nng PDEA, may nailibas na shabu shipment sa Manila International Container Terminal na kasamang dumating ng nasabat nilang 4.3 billion pesos na halaga ng shabu na nadiskubreng nakasilid sa dalawang magnetic lifter noong Martes. Sa warehouse na ito sa GMA Cavite, natuntun ng PDEA ang apat na iba pang kahalintulad ng magnetic lifter. Ang pagkakaiba nga lang, butas na ang mga equipment at wala ng lamang shabu. Tantiya ng PDEA nasa isang toneladang high grade shabu na nagkakahalaga na humigit kumulang 7 bilyong piso. Nadusikubre ito ng PDEA makaraang magreport sa baranggay ang isa sa kanilang mga tanod na nakaposte sa warehouse na ito.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: