Ads Top

Lazada Philippines

Patay ang limang taong gulang na babae matapos sikmuraan ng sariling tiyuhin sa Tondo Maynila. Habang ang bangkay ng paslit iniwan lang sa loob ng pagmamay-ari nilang computer shop. Pag amin ng suspect nainis daw siya sa pangungulit ng biktima habang nanonod daw siya ng telebisyon. Lango rin daw ang suspect sa alak kaya raw niya nagawa ang krimen. Agad naman naaresto ang suspect sa tulong ng CCTV sa kanilang computer shop. Sa kuha ng CCTV makikita ang suspect na lalabas sa kanilang bahay at lilinga-linga na tila nagmamatiyag sa labas. Makalipas ang isang minuto lumabas ulit ang suspect kasunod ang bata patungo sa direksyon ng abandonadong computer shop ilang hakbang lamang ang layo. Ito na ang huling pagkakataon nakitang buhay ang bata.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: