Ads Top

Lazada Philippines

Aminado ang Malacañang na dapat tanggapin na lamang ng publiko ang katotohanan na ayaw ng Simbahang Katoliko at ni Pangulong Duterte ang isa’t isa. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, huwag nang makipagplastikan dahil totoo talagang hindi magkasundo sa pananaw ang Simbahan at Pangulong Duterte. Ayon kay Roque, hindi naman pwedeng patuloy na lamang na maglalabanan o mag-aaway dahil apat na taon pa ang natitirang termino ng Pangulo. Subalit nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nito nilalahat ang mga miyembro at opisyal ng Simbahan na posibleng kasapakat ng kilusang komunista para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments: