Ads Top

Lazada Philippines

Tatlong Natural na Paraan upang Pumuti ang Inyong Maitim na Leeg. Alamin dito kung paano.

Tuwing nagsasalamin ba kayo ay nakikita nyo ang inyong leeg na unti- unting umiitim? Ang pagkakaroon ng maitim na leeg ay dahil sa mga kinakain narin sa inyong kinakain, madalas kapag mahilig kayo sa matatamis ay ito ang nagiging resulta. Maaari ding ang pag itim ng inyong leeg ay galing sa sobrang katabaan, o kaya naman ay galing sa matinding pagbabad sa araw.



1. Gumamit ng lemon.

Ang lemon ay madalas na nakikita sa inyong kusina, ito ay may kakayahang paputiin ang isang bagay o ang ating balat dahil nagtataglay ito ng natural na "citric acid".

Narito ang mga sangkap na kakailanganin:

Citrus ng lemon ( Galing sa pinigang lemon).

Kaunting Powder ng Turmeric.

Cotton ball

Narito ang paraan ng pagaawa:

1. Kumuha ng Lemon Juice, at ilagay sa leeg gamit ang cotton ball.
2. Hayaan ito ng 10- 15 minuto.
3. Banlawan ito gamit ang tubig.
4. Maaaari ka ring maglagay ng powder ng turmeric sa lemon juice bago ito ilagay sa inyong leeg. Mas napapaganda nito ang inyong balat.


Paalala:

1. Kung gumamit ka ng powder ng turmeric, mabuting banlawan ito ng maaligamgam na tubig.

2. Huwag ring magpaaraw kung mayroong lemon juice sa inyong leeg. Mas maiging banlawan muna ito bago lumabas ng bahay.

2.Gumamit ng Baking Soda.

Ang baking soda ay mainam na gamitin upang pangtanngal ng dead skin at iwasan ang pag-itim ng inyong balat.

Narito ang mga sangkap na kakailanganin:

Baking soda

Tubig

Narito ang paraan ng pagaawa:

1. Ihalo ang baking soda at ang tubig
2. Ilagay ito sa inyong leeg sa loob ng 10- 15 minuto.
3. banlawan ito ng tubig.


3. Gumamit ng Pipino.

Ang pipino ay isa sa mga natural paraan upang pumuti ang inyong balat. Pinapantay nito ang iyong balat sa leeg at mukha. 

Narito ang mga sangkap na kakailanganin:

1. Nakahiwang pipino.
2. Tubig 

Narito ang paraan ng pagaawa:

1. Ilagay ang hiniwang pipino sa parte ng leeg na maitim.
2. Iwan ito ng 10- 15 minuto.
3. Kayurin ang maitim na parte ng inyong leeg gamit ang pipino.
4. Banlawan ito ng tubig.
5. Pwede niyo ring gamitin ang juice galing sa pinigang pipino. Ilagay lang ito sa cotton ball at ipunas sa maitim na parte ng leeg.

Paalala: Mas nakabubuting gawin ito ng madalas o araw- araw upang mas makita ang magandang resulta.


No comments: