Ads Top

Lazada Philippines

Narito ang Magandang Benepisyo ng Dulot ng Pagbabad ng Paa sa Suka o Vinegar. Alamin at Basahin Dito.

Ikaw ba ay mayroon problema sa iyong mga paa. Malay mo, suka na pala ang sagot! Halina’t alamin kung ano-ano ang mga magagandang naidudulot nf natural na lunas na ito at kung paano ito gamitin. Kahit na ang iyong mga paa ang syang responsible sa pagbuhat sa iyong katawan tuwing gumagawa ng mga mabibigat na trabaho, madalas na nakaliligtaan ang kanilang kalusugan maliban nalang kung mayroong nang madevelop na karamdaman. Ngunit alam mo bang ang suka ay nakatutulong?



Ang iyong mga paa ay madalas nakaexpose sa pagkatuyo, bacteria at ilan pang mga bagay na maaaring makasama sa mga ito. Ito ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang uri ng karamdaman, ang iba pa nga ay pang matagalan. Kabilang dito ang fungi, pagtigas, at ilan pang issues na dahil kung bakit pangit at pakiramdam mo eh may sakit ang iyong paa.

Mabuti na lamang, mayroong isang natural na sangkap na maaari mong gamiting na nagtataglay ng nutrisyong at proteksyong na sya naman kailangan ng iyong mga paa. Isa dito an gating binibida, ang suka. Ito ay mayaman sa acids at anti-fungal compounds na nireregula ang pH ng balat natin.

Narito ang ilan sa mga benepisyo ng suka sa paa:

1. Iwas Fugus

Ang acetic acid sa suka ay tumutulong sa pagpuksa ng fungi na nagdudulot ng athlete’s foot o di kaya’y paninilaw ng kuko. Ang anti-fungal at antibacterial properties nito ay syang gumagawa ng panangga laban sa mga susunod pang pagatake ng mg microorganisms. 

Maglagay lamang ng isang tasa ng suka sa maligamgam na tubig at ibabad ang iyong mga paa sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. 


2. Pinapakinis ang balat 

Mayroong natural na kapasidad ang suka upang magexfoliate ng balat, tinatanggal nito ang mga patay nang cells na sya naman dahilan kung bakit pakiramdam mo eh tuyo at magaspang ang iyong balat. 

Ibabad laman ang iyong paa sa pinaghalong suka at tubig sa loob ng 15 hanggang 20 minuto.

3. Tinatanggal ang mg warts 

Ang acid sa suka, yaong apple cider vinegar, ay mainam laban sa mga virus na nagdudulot ng paglabas ng warts sa balat ng paa. Ang komposisyon ng suka ay nakakapag neautralize ng kahit anong impeksyon at napapalambot ang warts hanggang sa ito ay mawala nang tuluyan. 

Maglagay lamang ng kalahating tasang apple cider vinegar sa maligamgam na tubig at ibabad ang paa sa loob ng 30 minuto. Maaari mo ring ilagay ito ng diretso sa iyong warts gamit ang bulak.


4. Nababawasan ang kati 

Ang pagkati sa iyong mga paa ay maaaring dulot ng hindi balanseng pH sa katawan. Maaaring sobrang tuyo ng balat o di naman kaya ay napakarami nang fungi. Minsan pa nga, dahil sa allergic reaction sa mga sinusuot natin sa paa. 

Mabuti nalang, ang apple cider vinegar ay isa sa pinakamabisang lunas upang mawala ang mga sintomas na ito. Ipaghalo lamang ang magkasing daming apple cider vinegar at tubig at ibabad ang paa sa loob ng 20 minuto. Gawin ito araw-araw kung kinakailangan.

5. Tinatanggal ang masamang amoy 

Ang sobrang pagpapawis at paglaganap ng bacteria sa paa ay maaaring magdulot ng pangangamoy nito na mahirap mawala. Ang acid naman na makikita sa suka ay napatunayang nakakapagbawas sa produksyon ng pawis pati na ang paglaganap ng bacteria. 


Ibig sabihin lamang nito, kapag naglagay ka ng suka sa iyong mga paa, ito ay nagiging natural na solusyon sa mga mababantot na amoy na ito. 

Maghalo lamang ng dalawang tasang tubig at isang tasang suka at ibabag ang iyong mga paa sa loob ng 15 minuto. Ang amoy nito ay medyo matapang ngunit maaari ka naman gumamit ng tea tree oil upang ito ay mawala. Siguraduhing malinis ang iyong mga sapatos sa loob nito bago suoting muli.

6. Pinapalambot ang mga Kalyo

 Ang kalyo sa paa ay bunsod ng mga patay na cells na naipon at friction sa ilang mga pansapin sa paa. Ang acetic acid sa product na ito ay nagsisilbing exfoliant at emollient na syang maganda sa pagtatanggal ng patay na balat at pagpapalambot ng kalyo. 

Kapag naabsorb na ng balat, pinatataas ng suka ang moisture dito at pinapaganda ang hitsura ng paa. Ipagsama lamang ang parehong dami ng suka at maligamgam na tubig at ibabad ang paa sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Gawin ito gabi-gabi at kuskosin din ang paa gamit ang pumice stone.


No comments: