Ads Top

Lazada Philippines

Ang Pineapple o Pinya ay Nakakapagpagaling ng Iba't Ibang Uri ng Pamamaga. Alamin pa dito ang iba't ibang Magandang Benepisyo nito sa ating Katawan.

Ikaw ba ay nakakaranas ng pamamaga? Ang kondisyong ito ba ay nagpapahirap sa iyo? Maaaring nakagamit ka na ng iba’t-ibang uri ng OTC o Over The Counter na mga gamot para sa pagpapagaling ng iyong pamamaga, ngunit naisip mo na bang gumamit ng natural na gamot para dito? Maaaring Pinya na ang sagot sa iyong karamdaman.



Paano nakatutulong ang Pinya sa pamamaga?

Ang pinya ay maraming health benefits na taglay dahil na rin sa marami itong bitamina at mineral. Taglay rin nito ang isang uri ng enzyme na bromelain, na mayroong kakayanan upang labanan ang pamamaga. Ito ang enzyme na dhilan kung bakit ang pinya ang magiging sagot sa iyong problema.

Ang bromelain sa pinya ay nakakatulong sa pagbawas ng pamamaga sa iyong katawan.Dahil ditto, ang pinya ay makatutulong sa pagpapagaling ng mga taong may arthritis, sinusitis, at yaong mga pangkaraniwang pamamaga ng kalamnan. Nadudurog din ng bromelain ang fibrin, isang uri ng protina na maaaring magpatigas sa dugo.


Karamihan sa sa mga kakayanan ng bromelain upang maging lunas sa pamamaga ay maaaring ibigay rin ng iba pang enzymes na kilala bilang cysteine proteinases. Ito ay nakakatulong sap ag tunaw ng protina sa katawa. Nababawasan ng bromelain ang pamamaga dahil na rin sa kakayanan nitong pababain ang A2 at prostaglandin E2.

Ito ay tila hormones na dahilan ng pagbubuo ng dugo at pagbabara sa mga ugat. Ayon sa pananaliksik, ang bromelain ay maaaring makapagbawas sa produksyon ng chemokine and cytokine.

Ang Pineapple Juice para sa pamamaga.

Kapag palagiang umiinom ng pineapple juice, maaaring bumaba ang pamamaga na kalakip ng mga joint disorders tulad ng arthritis. Ayon sa pagaaaral, ito rin ay nakakatulong sa pagbibigay lunas sa pamamaga ng mga digestive disorders tulad ng Crohn’s Disease at ulcerative colitis. Ang bromelain rin ay naaprubahan bilang natural na gamot sa sinusitis lalo kapag iniinom kasama ng iba pang uri ng rekomendadong gamot.


Narito ang mga Benepisyo ng Pinya.

Kapag ginamit moa ng pinya para sa pamamaga, mas magandang sariwa ang prutas na ito. Ang bromelain ay matatagpuang mas marami at mas mainam sa balat ng prutas. Marami ang nagaakalang ito ay ang laman ng prutas, ngunit hindi. Ito na rin ang dahil kung bakit hindi mo dapat itapon ang balat ng pinya. Ang rekomendadong rami ng dapat kainin ay dalawang hiwa bawat araw.

Tuwing kakain ng pinya, natural laman na hindi mo kakainin ang balat nito. Ngunit, kapag gagawa ng juice mula sa bunga, isama ang balat. Ito ang pinakamainam na paraan upang makuha ang kabuuan ng mga banapisyong taglay ng prutas na ito. Ayon sa mga expert, mainam ang pinya na panggamot sa iba’t ibang uri ng karamdaman tulad ng acid reflux. 

Maaari ka ring uminom ng bromelain supplements upang gamutin ang pamamaga. Ito ay maaaring capsule, tablet, at liquid forms. Ayon sa mga eksperto, dapat uminom ng 500 hanggang 1,000 milligrams ng bromelain supplement araw-araw.


No comments: