Ads Top

Lazada Philippines

Limang Epektibong` Paraan upang Tumigil ang "Nosebleed" o Pagdugo ng Ilong.

Ang pagdudugo ng ilong ay nagsisimula kapag ang mga maliliit na "blood vessel" sa loob ng ilong at ang mga grupo ng "capillaries" nito ay pumutok. Maraming dahilan sa pagdugo ng ilong isa narito ang paggamit ng sobrang decongestant na spray na gamot, injury o disgrasya, pagkulikat ng sobra sa ilong, at sobrang pressure sa ilong dahil sa pagsinga ng sipon.


1.

Marami mga natural na paraan upang tumigil ang pagdugo ng ilong na epektibo at kayang kaya ng bulsa. Halina't basahin dito.

Narito ang mga mg pwedeng gawin o paraan upang tumigil ang pagdugo ng ilong o nosebleed:

 1. Lagyan ng Cold Compress ang Ibabaw ng Ilong.

Ito ang pinaka simple at pinakaepektibong gawin upang huminto ang pagdugo ng ilong o "nosebleed".

Paraan ng paggamit:

1. Gumamit lang ng ice cube at ibalot sa manipis na towel.

2. Umupo at bahagyang itingala ang inyong ulo.

3. Ilagay ang piraso ng yelo na nakabalot sa towel sa ilong sa loob ng 5 hanggang 10 minuto.

4. Gawin ito hanggang tumigil ang pagdudugo.


2. Pisilin ang Ilong.

Ang pagpisil sa ilong ng ilang beses ay nakakatulong upang mawala ang pagdudugo ng ilong ng pansamanatala.

Paraan ng paggamit:

1. Pisilin ang malambot na parte ng ilong gamit ang inyong hinlalaki at hintuturo habang nakatingala ang ulo.

2. Kaunting pressure o huwag masyadong malakas ang pagpisil sa inyong ilong.

3. Gawin ito ng 5 hanggang 10 minuto.

4. Huminga muna gamit ang inyong bibig habang ginagawa ito.

3. Gumamit ng Sibuyas.

Ang sibuyas ay isang herbal na gamot na ginagamit pa noong unang panahon na epektibo upang mapatigil ang pagdugo ng inyong ilong

Ang natural na amoy ng sibuyas ang syang dahilan upang tumigil ang pagdugo ng ilong o "nosebleed"

Paraan ng paggamit:

1. Kumuha ng sibuyas, at hiwain ito ng pahaba.

2. Ilgay ito sa ilalim ng inyong ilong upang maamoy nyo ito upang tumigil ang pagdugo.

3. Gawin ito hanggang mawala na ang amoy ng sibuyas.


4. Kapag nawala na ang amoy nito palitan na ang sibuyas.

5. Pwede nyo rin gamitin ang katas ng sibuyas at ipatak sa loob ng inyong ilong.

6. Gawin ito hanggang tumigil ang pagdugo.

4. Gumamit ng Petroleum Jelly.

Ang petroleum jelly ay ginagamit ring pangpapatigil ng "nosebleed".

Paraan ng paggamit:

1. Kumuha ng petroleum jelly at ipahid sa loob ng ilong, magsisilbi ito upang mapanatili ang "moisture" ng inyong ilong.


2. Gawin ito ng maraming beses sa isang araw, hanggang makita nyo na tumigil na ang pagdugo ng ilong.

Paalala: huwag damihan ang paglagay ng petroleum jelly sa loob ng ilong. Gumamit lang ng sapat na dami nito.

5. Uminom o Kumain ng mga Pagkaing Mayaman sa sa Vitamin C.

Ang nosebleed o pagdugo ng ilong ay maari ding maranassan ng isang buntis dahil ang "tissues" nila sa panahaon iyon ay tuyot.

Upang maiwasan ang pagdugo ng ilong habang nagbubuntis ay kailangan komunsumo ng mga pagkaing mayaman sa Bitamina C gaya ng orange juice, kiwi, pineapple, papaya, mangga at marami pang iba.


No comments: