Ads Top

Lazada Philippines

VIRAL ! MAMASAPANO TRAGEDY | Pagsampa ng kaso laban kay dating Pres. Aquino, gugulong na. SA WAKAS !



Dahil dito, tuloy ang pagharap ni Aquino sa mga kasong Usurpation of Authority at paglabag sa Section 3 (a) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).  Kasama bilang kanyang mga co-conspirators sina PNP Chief Alan Purisima at Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas.
Matatandaang noong Enero 24, 2015, halos 400 na myembro ng PNP-SAF ang sumabak sa ‘Oplan Exodus’ upang arestuhin ang mga bomb makers na sina Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at si Abdul Basit Usman na nagkukuta sa Mamasapano, Maguindanao. Naipit ang SAF troopers nang makipagpalitan ng putok ang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Tumagal ng ilang oras ang bakbakan, 44 na SAF troopers ang namatay.
Ayon sa Ombudsman, hinayaan ni Aquino na manghimasok ang noo’y PNP Chief Alan Purisima sa operasyon kahit pa man suspended siya noong mga panahong iyon.
“That President Aquino utilized the services of the preventively suspended Purisima, prior to and during the implementation, thereby giving Purisima an active role in Oplan Exodus as he was exercising a degree of authority and discretion over Napeñas, is the crux of the finding of probable cause against President Aquino,” sabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Ayon sa Korte Suprema, sinumang suspended ay hindi dapat pahintulutang magtrabaho at tumanggap ng sahod.
“In all cases of preventive suspension, the suspended official is barred from performing the functions of his office and does not receive salary in the meanwhile.”
Ayon sa Ombudsman, ang Usurpation of Official Functions ay may parusang kulong ng anim na buwan hanggang apat na taon habang ang kasong graft naman ay pagkakakulong ng anim hanggang labinglimang taon.


No comments:

Powered by Blogger.