Ads Top

Trillanes Lambast Duterte "Kailangan na ng “psychiatric help”


“He needs psychiatric help right away.”

Ito ang matapang na pahayag ni Sen. Trillanes laban kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos hamunin ito sa posibilidad ng “draw” o barilan.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa isang talumpati sa Digos City na kaya siya may dalang baril ay hindi upang protektahan ang sarili laban sa mga kaaway kundi kakailanganin niya ito sakaling makaharap ang senador.

Ayon kay Trillanes, ang ganitong pahayag ng pangulo ay palatandaang walang sapat na kapasidad sa pag-iisip si Duterte upang mamuno.

Anya, kailangan na ng pangulo ang tulong ng isang psychiatrist.

Sinabi pa ni Trillanes na dapat ay ilayo ng Presidential Security Group o (PSG) ang mga baril nito dahil baka masaktan ng pangulo ang sarili o ang ibang tao.

Samantala, tinawag naman ng Pangulo na hambog at duwag lang naman si Trillanes.

No comments:

Powered by Blogger.