Ads Top

IN VIDEO: National ID System Sa Bansa Approbado Na! Nakalaang Pondo ₱2-bilyon


Ipinasa na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng national identification system.

Sa botong 142-7 inaprubahan na ng mababang kapulungan ang panukalang magkaroon na lamang ng iisang ID para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.

Maglalaman ang ID ng common reference number, barcode, pangalan ng may-ari, name suffix, front-facing photograph, kasarian, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, permanent address at blood type.

Hindi na naman isinama sa panukala ang pagsasaad ng relihiyon, marital status at health records.

Kabilang ang national ID system sa legislative agenda ng administrasyong Duterte.

Kung tuluyang magiging batas, ang Philippine Statistics Authority ang mamamahala sa pamamahagi nito sa publiko.

May nakalaang P2 bilyong pondo ang Department of Finance para sa national ID.

Ang National ID System ay isang magandang ID kung saan hindi na natin kailangan kumuha ng kung ano anong requirements katulad ng nbi, brgy clearance, phil health id, postal id at kung ano ano pang ID dahil pagsasamahin na lamang ito sa iisang ID.

Ayon kay Ben Tulfo malaki daw ang advantage ng National ID System kaysa sa ibang ID na ginagamit natin tulad ng Postal ID dahil ito daw ay isang State ID.

Ayon rin kay Ben Tulfo marami daw umano kumukontra na ipasa ito dahil inilalabas nito ang buong impormasyon ng pagkatao natin at yong may mga kalokohang gagawin madaling ma trace.

Panoorin ang Video sa baba para sa buong Detalye ni Ben Tulfo.

No comments:

Powered by Blogger.