Ads Top

BREAKING: Vice Mayor Luis Marcaida Tiklo sa Drug Raid Operation


MANILA – Inaresto si Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III matapos makuhanan ng hinihinalang droga at armas ang kanyang bahay, Lunes.

Hinalughog ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya ang bahay ni Marcaida sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 53 dahil sa koneksiyon umano niya sa ilegal na droga.

Kabilang sa mga nakuha sa bahay ni Marcaida sa Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa ang 30 pakete ng hinihinalang shabu, 5 baril, daan-daang bala, 3 rifle grenade, at 1 hand grenade.

Ininspeksiyon din ng mga awtoridad sa 3-oras na operasyon ang mga sasakyan ni Marcaida at mga kalapit na lugar ng kanyang tahanan.

No comments:

Powered by Blogger.