Ads Top

Isang Grab Driver Inulan ng Papuri Matapos Sa Ginawa Nito Sa Napulot Niyang Napakalaking Halaga Ng Pera Sa Kanyang Sasakyan! - NewspaperPH

Maraming kwento na ang kumalat sa social media sa magagandang gawa at asal ng mga driver ng nasabing kumpanya kaya ay hindi na nakapagtataka kung maraming tao ang mas pinipili itong sakyan kumpara sa tradisyonal na taxi.

Ngayon, isang driver ng Grab ang nagpatunay muli matapos na nag viral sa social media ang kanyang ginawa nang makakita ng brown envelope na naglalaman ng mahahalagang dokumento at malaking halaga ng pera sa kanyang sasakyang pinapasada sa grab.

Siya ay si Melito Buban na ibinahagi sa Facebook ang paghahanap sa kanyang pasahero ng gabi na nakaiwan nito. Sinabi nito sa post nya:
Ako po si Melito Buban, isang Grab driver. May pasahero po ako kagabi na nakaiwan ng brown envelope na may mahalagang laman na dokumento at malaking halaga na pera. Sana tulungan nyo ako ipaabot sa may ari. Please share this post. Maraming salamat po.
Napansin ito ng mga netizens at umabot ang kanyang post ng mahigit anim-na-libong reaksyon at mahigit 30k na shares sa oras ng pagsusulat ng artikulong ito.

SOURCE: Facebook



DISCLAIMER: Contributed articles does not reflect the view of NewspaperPH.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Powered by Blogger.