Ads Top

Lazada Philippines

READ: Rason Kung Bakit Takot si VP Leni sa Manual Ballot Recounts Isinawalat sa Abogado ni BBM

Former Liberal Party lawmaker representing Biliran and one of the lawyer of former Senator Bongbong Marcos, Atty. Glenn Chong reveals the reasons why Vice President Leni Robredo is afraid of the manual recount of ballots as suggested to PET by the Marcos camp.


According Atty. Glenn Chong, VP Leni Robredo claimed earlier that she is not afraid with the Marcos protest against Robredo but in reality, the camp of the Vice President is allegedly doing some delaying tactics.

As the schedule of the manual recount for the Vice Presidential race is fast approaching, VP Leni's camp keeps on filing dilatory motions or motions which are useless with the main intentions of delaying the protests filed by former Sen. Marcos.

Atty. Chong enumerates some of the controversial protest filed by the camp of the Vice President which allegedly aimed at delaying the protest of Sen. Marcos. Some of the protests are indeed not worthy for an attention by the Presidential Electoral Tribunal (PET).

Veteran lawyer, Atty. Glenn Chong is the spokesman for election watchdog Reform Philippines Coalition (RPC).

Here's the Complete Statement of Atty. Glenn Chong:

TAKOT TALAGA SI ROBREDO SA MANUAL RECOUNT NG MGA BALOTA

Ayon kay Robredo, hindi siya takot sa protesta ni BBM dahil siya raw ang totoong nanalo bilang pangalawang pangulo. Pero habang palapit ng palapit na ang araw ng manual recount ng mga balota, panay naman ang kanyang pagfile ng mga dilatory motions o mga motions na walang saysay at ang pakay lamang ay maantala ng husto ang protesta.

Tulad halimbawa ng motion na ito na humingi sa PET ng paglilinaw ng ilang mga isyu:

1. Bakit daw nag-expire ang certificates o lisensya ng mga USB tokens na ginamit sa halalan;

2. Magkano daw ang upa ng warehouse sa Laguna para sa stripping/closure activities ng mga makina;

3. Dahil gumamit ang Comelec ng ibang petsa upang maiwasan ang problema ng expiration ng certificates ng mga USB tokens, maaapektuhan daw ba ang mga CCS laptops; at,

4. Dahil mukhang hindi isasauli ang mga CCS laptops sa Smartmatic, gaano raw kahaba ng panahon ito gagamitin ng Comelec.

MALINAW na ang Comelec lamang ang makakasagot sa mga tanong na ito ni Robredo. Pero bakit dumaan pa siya sa PET at hindi na lamang siya diretsong nagtanong sa Comelec?

Dahil delaying tactic talaga ito. Kapag dumaan siya sa PET, mag-iisyu pa ito ng order sa Comelec upang sagutin si Robredo. At kapag natanggap na ang order, hihingi ang Comelec ng extension of time upang sumagot. Magtatagal ito ng maraming araw.

Ito nga ang nangyari! Nagpalabas ng order ang PET na sagutin ito ng Comelec noong April 18. Tama ang hinala natin. Humingi nga ng extension ang Comelec. Lumabas ang kanilang sagot May 15 na o halos isang buwan ang lumipas. At natanggap ito ni Robredo, June 8 na. Lumipas muna ang 51 araw para lang masagot si Robredo.

Kung sumulat na lang si Robredo sa Comelec tungkol sa kanyang mga tanong at kulitin niya, mas madali yun. Yung tungkol nga sa paratang niyang EJK na isiniwalat niya sa video message sa UN conference, sinulatan niya ang PNP. Bakit ngayon, hindi na niya alam sulatan ang Comelec?

Gusto lang talaga niyang idaan ang mga walang kwentang mga isyu na ito sa PET dahil hindi ito agad mareresolba ng PET. May rason na siya ngayon na umalma na may marami pang mga nakabinbin na mga incidents ng protesta na kailangang resolbahin muna ng PET bago bilanging muli ang mga balota.

Igigiit niyang resolbahin muna ang mga ito habang nag-aantay at umaasa siyang magtatagumpay ang kanilang Plan B at mapalitan na niya si Presidente at ng sa gayon, hindi na mabubuksan ang mga balota dahil kontrolado na niya ang lahat.

Ngayong nasagot na si Robredo matapos lumipas ang 51 araw, humingi na uli siya ng karagdagang paglilinaw mula sa PET. Dahil gumagastos daw ang Comelec ng P5.6 milyon bawat buwan sa pag-upa ng warehouse, sahod, kuryente, tubig at gasolina, nagtatanong siya kung ibabawas ba sa kanyang cash deposit ang parte niya sa mga gastos na ito.

Wala na talagang katapusan ang mga paglilinaw na hinihingi ni Robredo. Alam ito ng mga abogado niya (Macalintal at iba pa) na hindi ito ibabawas sa kanyang cash deposit. Mga election experts ang mga abogadong ito. Alam nila, base sa kani-kanilang mga karanasan, na ang ibabawas lang talaga sa cash deposit nina BBM at Robredo ay ang mga gastos lamang na direktang may kinalaman sa manual recount ng mga balota. Ang nasabing warehouse ay pasilidad ng Comelec kaya Comelec dapat ang gumastos dito at hindi ang mga partido sa protesta.

Kaya pala eksperto ang tawag sa kanila… eksperto sa delaying tactic!

KUNG TOTOONG NANALO SI ROBREDO, ITIGIL NA NIYA ANG MGA GANITO. HARAPIN NIYA ANG PROTESTA NA MAY DANGAL AT WALANG KABA SA DIBIDIB. PERO KUNG BABAHAIN NIYA NG MGA WALANG KWENTANG MOTION ANG TRIBUNAL, MALINAW NA ISA SIYANG MAPAGKUNWARI AT SINUNGALING.

Source: Atty. Glenn Chong FB Page


No comments:

Powered by Blogger.