Ads Top

Mga Senador Nagka-isa Para Upakan Si Trillanes sa Ethics Complaint


Trillanes kinuyog sa Senado

Mistulang nagkaisa ang ilang senador sa pag-upak kay Senator Antonio Trillanes matapos tawagin nito ang Senado na puppets o total ng admi­nistrasyong Duterte.

Dahil dito, ‘loser’ pa rin ang tawag ni Senador Richard Gordon kay Trillanes.

Aminado si Gordon na dismayado siya kay Trillanes na umaakto at nagsasalitang parang hindi umano isang senador.

Kung may problema umano sa kanila si Trillanes ay dapat umanong sabihin nito nang maayos at hindi na magdadakdak at magbitiw ng salitang nakakasama sa kanyang mga kasamahan dahil tiyak bubuwelta ito sa kanya at sa huli siya ang talo.

Ayaw mang pumatol ni Senate Majority leader Vicente ‘Tito’ Sotto ay sinabi nitong dapat ma­ging maingat naman si Trillanes sa kanyang pagbibitaw.

Read later:
Trillanes: 'Philippine Death Squad, bagong vigilante ni Duterte na may sahod P10K-1M'
Laughtrip: GMA news anchors ginawang katatawanan si Trillanes

Sa tanong naman kung maaring sampahan ng ethics complaint si Trillanes, sinabi ni Sotto maari naman itong gawin ng komite bilang moto propio ngunit mas mainam pa ring may maghahain ng reklamo.

At kahapon, pinakakasuhan na ni Sen. JV Ejercito sa Senate committee on ethics si Trillanes.


Ani Ejercito, ‘disrespectful and unparliamentary’ ang sinabi ni Trillanes nitong Lunes na ‘puppet’ at ‘coward’ ang mga senador.

Nakakasira na umano sa Senado bilang institusyon ang ginagawa ni Trillanes, lalo na sa bansa sa pangkalahatan.

“Maybe it is high time that we refer to the Senate Ethics Committee Sen. Trillanes’ actions since he is becoming damaging to the institution, and becoming destructive to the country,” ani Ejercito.

Sumagot naman si Trillanes na nakahanda siya na harapin ang reklamo na posibleng ihain sa kanya.

Ayon sa opposition se­nator, kung sa tingin ni Ejercito ay ‘highly offensive’ ang kanyang paratang sa mga miyembro ng Senado subalit minamaliit­ lamang ang mga rape joke ni Pangulong Duterte, mukhang may problema umano talaga ngayon ang Senado.

[source]

No comments:

Powered by Blogger.