Ads Top

Lazada Philippines

LOOK: PNP Chief Bato May Nakakagulat na Balita Kung Nasaan na ang Turkish Terrorist


Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa na nasa Pilipinas na ang teroristang Fetulla Gulen Movement, ang teroristang grupo na nakabase sa  bansang Turkey.

Ayon kay Dela Rosa, ito ay base sa kanilang intelligence report na nakalap ng PNP.

Ipinaliwanag ng opisyal na halos lahat ng Jihadists ay gusting pumunta ng Syria at Iraq at walang ibang maaring mapagdaanan kundi ang Turkey.

Gayunman ayon kay Dela Rosa, isinara na ng Turkey ang kanilang border kung kaya ang naging utos umano ng ISIS leaders ay magtungo na lamang sa South East Asia kabilang na ang Pilipinas.

Sinabi pa ng PNP Chief na ang bawat Jihadist na hindi makapupunta sa Iraq at Syria ay inutusan na magtungo na lamang sa mga bansa sa South East Asia.

Una rito, ibinunyag ni Turkish Ambassador to the Philippines Esra Cankour na nasa Pilipinas na umano ang kanilang teroristang grupo at nakabase sa Zamboanga Peninsula at nagpapanggap na miyembro ng iba’t ibang mga civic education institutions at charity organizations.

No comments:

Powered by Blogger.