Ads Top

Imee Marcos Naglabas Ng Ebidensya Sa Mga Congressman


NAGPASAKLOLO kahapon si Ilocos Norte Gov. Imee R. Marcos sa Korte Suprema kaugnay ng banta ng Kamara na ipaaresto siya.

Sa 67-pahinang omnibus petition, kasama ang tinaguraiang ‘Ilocos 6’, na sina Pedro S. Agcaoili Jr., Encarnacion A. Gaor, Josephine P. Calajate, Genedine D. Jambaro, Eden C. Battulayan at Evangeline C. Tabulog—hiniling nila sa Kataastaasang Hukuman na ito naang humawak sa petisyon para sa inihaing petisyon ng habeas corpus sa Court of Appeals (CA).

Ito’y sa harap naman ng banta ng Kamara na siya ay ipapaaresto kung hindi dadalo sa pagdinig ng Mababang Kapulungan at ang patuloy na pagkadetine sa anim na empleyado ng Ilocos Norte provincial government kaugnay ng umano’y maling paggamit ng P66.45 milyong pondo mula sa tobacco excise fund.
Hiniling din ni Marcos sa Korte Suprema na ipag-utos ang pagpapalaya sa ‘Ilocos 6’.


Imee Marcos, hinamon na patunayan sa Kamara ang pagiging inosente sa anomaliyang kinasasangkutan



Hinamon ni House Committee on Good Government and Public Accountability chairman Johnny Pimentel si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na magtungo sa Kamara at humarap sa imbestigasyon hinggil sa maanomaliyang paggamit ng nasabing probinsya sa tobacco excise funds nito.

Matapos na humarap sa media si Marcos ngayong araw, iginiit ni Pimentel na kung talagang inosente at walang kinakatakutan ang gobernadora ay nararapat lamang daw na magpaliwanag ito sa susunod nilang scheduled hearing sa darating na Hulyo 25.

Ayon kay Pimentel, hindi dahil isang Marcos ang gobernadora ay makapangyarihan pa rin ito at basta lamang lumabag sa batas.

Binigyan diin ng kongresista na maraming paglabag sa batas ang maanomaliyang transaksyon kung saan bumili ang Ilocos Norte ng P66.45 million halaga ng mga sasakyan gamit ang tobacco excise funds nito.

“First of all sabi niya (Marcos) no ghost projects in Ilocos Norte. That is not the issue here, the issue here is the anomalous purchase pf vehicles which violated RA 7171 and RA 9184 also the COA memorandum circular 97-002,” ani Pimentel.

Ganito rin ang pananaw ni committee vice chairman at Mindoro Oriental Rep. Paulino Salvador Leachon.

Ikinapikon ni Leachon ang pagsalita ni Marcos sa isang pulong balitaan sa kabila raw ng makailang beses nilang pag-imbita dito.

Ayon sa nasabing kongresista, sa imbestigasyon ng Kamara sana raw nagpaliwanag at idinipensa ni Marcos ang sarili nito.

Dapat din aniyang ibahagi ng gobernadora sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga ibinabandera naman nitong pruweba na aboveboard daw ang transaksiyon sa paggamit ng pondo ng tobacco excise tax.


Patutsada pa ni Leachon, maari raw na ninais na lamang ni Marcos na humarap sa media at hindi sa Kamara dahil sa posibleng takot daw ito na lumalim pa ang isinasagawang pagsisiyasat.

WATCH THIS VIDEO BELOW

No comments:

Powered by Blogger.