Ads Top

Lazada Philippines


Karen Bordador

Si Karen Bordador ay isang disk jockey, host, model and blogger.
Naaresto si DJ Karen at ang kanyang nobyong si Emilio Lim noong August sa pamamagitan ng isang buy-bust operation sa kanila mismong condo unit. Nasabat ang nagkakahalagang 2.8 million pesos na marijuana at iba't ibang flavor ng ecstasy.

Mark Anthony Fernandez

Unang sumikat bilang isang aktor si Mark Anthony Fernandez nang mapabilang siya sa showbiz teen group na Gwapings. Anak din siya nina Alma Moreno at Rudy Fernandez.

Mark Anthony

Kasalukuyang nakakulong si Mark Anthony sa Angeles, Pampanga matapos mahulihan ito ng isang kilong marijuana sa kanyang minamanehong kotse. Sa isa pang ulat ng 'Unang Balita,' inihayag na dati nang labas-masok sa rehab center ang aktor. 

Krista Miller

Isang sexy starlet si Krista Miller or Krystalin Engle sa totoong buhay. (

Sabrina M

Dati ring sexy star si Sabrina M, o Karen Pallasigue sa totoong buhay. Sumikat siya sa mga pelikulang 'Favorite Subject: Sex Education,' 'Karanasan: The Claudia Zobel Story,' at 'Aliw: Masarap na Lason.'

Aurora Moynihan

Si Auora Moynihan ay kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez. Taong 2013 ay nahuli na si Aurora sa ginawang drug operation ng Southern Police District, at kasama niyang naaresto ang isang sindikato ng iligal na droga.

Hero Bautista

Ang nakababatang kapatid ni Mayor Herbert Bautista na si Hero Bautista ay kasalukuyang isang Quezon City Councilor ngunit nagsimula rin siya bilang isang child actor.

Anton Bernardo

Kinilala bilang hottest sexy actor ng Seiko Films si Anton Bernardo noong 90's. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ang 'Kesong Puti,' 'Patikim ng Pinya,' 'Nang Mamulat si Eba,' at 'Anakan Mo Ako.'

Anton

Naaresto si Anton matapos harangin ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsuot ng helmet noong December 2014. Dahil sa kanyang kakaiba at magulong ikinilos ay kinapkapan siya, at natagpuan sa kanya ang isang sachet ng shabu at ibang drug paraphernalia.



No comments:

Powered by Blogger.