Ads Top

Lazada Philippines

RESORTS WORLD INCIDENT : "The man behind the incident" Kilalanin ang suspek na si Jessie Carlos



MANILA, Philippines – Kinumpirma at pinangalan kanina sa isang press conference ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang suspek sa insidente sa Resorts World Manila.
Kinilala siyang si Jessie Javier Carlos, 42 years old, na nakatira sa San Lazaro, Brgy. 339, Sta. Cruz, Manila. Hiwalay sa asawa at may tatlong anak.
Dating empleyado si Carlos sa “One Stop Shop” office ng Department of Finance. Tinanggal siya sa trabaho dahil sa hindi nya pagdedeklara o misdeclaration ng kanyang statements, assets, liabilities and net worth (SALN).
Ayon sa kanyang mga kaanak, hiniwalayan siya ng kanyang asawang si Jen Carlos dahil na rin sa pagkalulong niya sa sugal. Madalas raw na P40,000 ang minimum bet nito kapag nagka-casino. Napag-alaman din na may utang na P4-M si Carlos sa bangko. Ibinenta na rin daw niya ang kanyang mga ari-arian dahil sa problemang pinansyal.
Naka-ban din si Carlos sa lahat ng casino mula pa noong April 3, 2017 na ipinag-utos ng PAGCOR.


No comments:

Powered by Blogger.