Ads Top

Lazada Philippines

HULI SA CCTV: Pedicab driver binaril nang malapitan


MAYNILA - Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem suspects ang isang pedicab driver matapos barilin ng malapitan Tondo, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital si Danilo Mendoza, 39, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa leeg.

Sa kuha ng CCTV sa Barangay 79-Zone 7 ang insidente, makikitang nakatayo lang ang biktima malapit sa isang tindahan sa kanto ng Franco at Peñalosa St. bandang 8:00 ng gabi.

Pumaspas sa puwesto ng biktima ang mga suspek sakay ng motorsiklo at malapitang binaril ang biktimang ni hindi na nakadepensa o nakatakbo.

Pagbagsak ng biktima, agad na sumaklolo ang kanyang misis at iba pang tambay.

Ayon naman kay Rodolfo Inocencio, kapitan ng Barangay 78-Zone 7, ang biktima ay isa umanong police asset.

Pinag-aaralan na ng Manila Police District - Homicide Division ang kuha ng CCTV pero hanggang ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng krimen.

CLICK HERE TO WATCH VIDEO

No comments:

Powered by Blogger.